Ay sayang, ang dali-dali nang mag-Arduino ngayon. Noong panahon ko, parallel-port programmer at AVRDUDE manually pa. Tatlong oras pa ako mag-troubleshoot ng same kind of error.
Tama si Mark — CH340 driver yung first thing to check. Pero may isa pa akong tip na hindi pa nababanggit:
Tanggalin mo lahat sa breadboard. Pag may jumper wire na touching pin 0 (RX) or pin 1 (TX), nakakasagabal sa USB-serial communication — yung pareho na pin yung ginagamit ng bootloader. Iwan mo lang yung USB cable, try uploading. Pag gumana, ibalik mo yung components in this order:
- Upload sketch first
- Disconnect USB
- Connect external components
- Reconnect USB
Iyan yung classic mistake na isang taon ko ring na-stuck dati. Bago mo i-blame yung software, alis muna lahat sa breadboard.